starchelles (starchelles) wrote,
starchelles
starchelles

Bomb Threat: Implications and Allusions

May bomb threat kanina sa UP. Actually, sa Computer Center. Student Assistant ako dun, sa mga hindi nakakaalam.

Malapit na mag-ala-una nun. Pumasok si Gerry sa 304 (room namin) habang nagcoconfigure ako ng dalawang laptop. Ganito yung usapan.

Gerry: Uy, may bomb threat sa baba. Tumawag sa phone ni Kuya Roger (ang aking favorite guard).
Ayrie: O? (Nagtatayp sa laptop) Ganun ba? Gerry, bakit hindi pa rin maka-connect sa wifi 'tong isa e naconfigure ko na 'yung isa pang laptop at nakakaconnect naman sa access point natin?
Gerry: Ewan ko. Pa-try nga.

Ayan. Ganyan kami ka-dismissive. Mga 3 minutes later pumasok si Sir Tiglao (Big Boss) sa 304 at sinabihan kami na lumabas kasi nga raw may bomb scare.

Bumaba kami ni Gerry at nung dalawang nagpapaconfigure ng laptop. Paglabas namin may pulis na. Sobrang seryoso nila nung una, tapos hindi pa nila kami pinapapabalik sa center. Dun lang daw kami sa labas.

---

Naramdaman ko na takot din pala ako. Sabi ko nga kay Ge, "alam mo yung feeling na alam mong irrational 'yung fear mo pero takot ka kasi posibleng totoo?"

Nung una, joke joke lang. Passive ko nga e, inuna ko pa 'yung magconfigure ng laptop kaysa pag-usapan 'yung bomb threat. Pero nung nasa labas na kami parang shet, paano kung may sumabog nga? Paano kung may pumasok talaga sa CR namin tapos nag-iwan ng bomba tapos naka-time na siyang sumabog in 5 minutes. E di boom, bomba talaga. Sabog-sabog kami lahat sa loob. Patay.

Maraming bagay sa buhay ang parang ganun, naisip ko. (Pag nagcocommute talaga ako tapos sa bus ako nakasakay kung anu-ano naiisip ko. Iyak-iyak pa ako minsan, tapos ngingiti, tapos matatawa. E di ba level lang halos yung mga bintana ng bus? Mamaya pinapanood na pala ako nung mga pasahero sa kabilang bus habang nakahinto kami sa may Cubao. Mapagkamalan pa akong baliw). 'Yung tipo ng bagay na assured ka, na alam mong hindi mawawala, na alam mong nandiyan lang. Pero pag sinabi sa iyo, uhm.. Kunwari lang 'to a. Kunwari, mag-boypren kayo. Masaya ka, mukhang masaya naman siya. Feeling niyo pareho destined kayo para sa isa't isa, feeling niyo oks talaga kayo magkasama.

Tapos biglang tatanungin ka ng love-of-your-life-at-that-present-moment mo, "Are you happy?" tapos passive ka, iniisip mo okay lang yan, okay lang yan. Pero sa loob-loob mo, shet, magbbreak ba kami ngayong gabi? E kakadinner lang namin together sa Katipunan a, tapos kakanood lang namin ng sine. Tapos magpapark siya sa kung saang parking lot, tapos hihirit ng "I'm sorry but I don't think things are working out."

Boom. Bomba. Sabog-sabog ang loob mo. Patay.

---

After a while, wala pa rin ang SWAT na dapat dadating. Mga isang oras din bago nakarating yung SWAT people. Naisip namin baka inuna pa nila 'yung threats sa UP Prep, o kaya 'yung sa Sanggumay. Tatlo raw kasi kaming na-bomb threat kanina.

Tapos, e di matagal nga. Tawa-tawa pa kami, sabi namin wala namang bomba e. Nagkukwentuhan pa kami nina Ate Ma'am Shayne (bossing) na gusto na naming bumalik sa opis naming aircon at may free internet. Sabi nga namin ni Gerry, "minsan na nga lang kami makapagtrabaho kasi andami naming ginagawa sa maskom, nabulilyaso pa."

Ayun, tinext din pala ni Gerry si Marc, ang isa pang Student Assistant na nagpagupit ng buhok kamakailan lang. Akala ni Marc nagjjoke kami.

---

So ano nang gagawin mo pag nasabugan ka?

E di wala. Wala ka na rin namang magagawa e.

E paano kung hanggang bomb threat lang pala yung sa iyo. Paano kung pwede pa? Paano kung pagkatapos ng ilang oras, naisip mong "safe" naman pala? Babalik ka ba sa loob ng building?

Ako hindi. Takot ako e. Ayoko magtapang-tapangan tapos mali naman pala ako, sa akin pa 'yung sisi.

Sabi sa amin kanina nina Mang Boy, papasok lang daw kami ulit pag sinabi na nung mga egzperts na pwede na. Kahit lahat kami na nagtatrabaho sa CC e gustuhing bumalik sa comforts of the airconditioned offices hindi pwede, kasi wala naman kaming alam sa mga ganun-ganun, yung mga planted bombs tapos colored wires cut here cut there, ganyan.

Balik tayo sa hypothetical. Kunwari nga ayun, mag-boypren kayo na mag-ex na, tapos nafeel mo na pwede pa at kung babalik ka mag-aagree naman siya. E feeling mo lang naman yun. Kahit na mag-agree pa ang lahat ng kaibigan, kapamilya, kapuso at kapartido mo na maging kayo ulit, sa tingin ko hindi talaga pwede kasi 'yung ex ang "sorta" egzpert sa sitwasyon kasi siya 'yung may alam kung bakit siya nakipagbreak, tumiwalag, nang-iwan ganun. Mamaya pag naulit uli, kasalanan mo pa.

Layo ka na lang. Tawa-tawa ka na lang sa isang tabi kasama 'yung mga ka-opisina mong gusto na rin ng aircon kahit na may bomb threat sa building. Layo ka na lang kasi hindi ka egzpert. Ano bang alam mo?

---

Natapos naman nang maluwalhati ang araw ko. Hindi na ako nakabalik sa center kanina kasi may klase ako hanggang alas-kuwatro tapos may meeting ako sa maskom. Tapos pinuntahan ko si Papa para humingi ng pera. Bankrupt na ako e.

Nahanap ko nga rin pala 'yung Louis Vuitton kong purse na nawala ko two weeks ago na akala ko hindi ko na makikita ever again. May pera 'yun saka andun din 'yung Form5 ko. Napulot ni Kuya Joey (janitor namin sa CC) sa may National Engineering Center o sa may Computer Center New Building, hindi ko sure kung saan talaga. Nahulog ko 'ata. Nakita ko kasing hawak ni Kuya kanina habang nakatambay kami sa labas ng CC at naghihintay sa SWAT. Buti na lang andun din sa purse 'yung susi sa laptop lock ko na may exact copy sa loob ng bag ko. AT! Buti na lang siya ang nakapulot.

---

Sa huli't huli, may mga bagay na susurpresa sa atin na ikakatuwa natin. 'Yung mga tipong out-of-the-blue surprises na wala namang kinalaman sa nangyari sa buong araw natin. 'Yung tipong swerte lang talaga tapos hindi mo talaga ineexpect na sa sobrang imposible hindi mo na inisip at inasahan.

Malaki ang posibilidad na ang surpresang 'yun ay manggagaling sa taong malapit lang sa iyo, 'yung tipong ningingitian mo araw-araw tapos hi hello ganun. Malamang kakilala mo pa. Kung sumabog ka man parang legong winasak at pinulot mo na lahat ng parts mo at isa na lang ang nawawala na okay lang kasi nagffunction ka naman pero either way alam mong kulang ka, malay mo may isang makapulot nung part na 'yun at maibabalik din sa iyo 'yun kahit hindi mo na inaasahang mababalik pa 'yun.

Kahit na bomb threat pa ang dapat naging higlight ng araw mo, hindi hahayaan ni Paji na hanggang bomb threat lang ang excitement at fear at learning. Hindi Niya hahayaang umikot ang mundo mo sa isang destructive na bagay tulad ng bomba o breakup. Sumabog man 'yan o hindi, aminin mong natakot ka. Aminin mong in one way or another, naapektuhan ka.

Pero sa huli't huli, sisiguraduhin Niyang masaya ka.

Even if it takes a miracle to take your mind off that fear, He'll give it to you. Ganun katindi si Paji. Ganun katindi ang tunay na unconditional love.

---

Haha. Bus rides are the best. :)

  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your reply will be screened

    Your IP address will be recorded 

  • 3 comments