starchelles (starchelles) wrote,
starchelles
starchelles

(USC Statement) Re: Cris Mendez's Death

HUSTISYA PARA KAY CRIS!

    Ang buong Konseho ng Mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman ay nagluluksa sa pagkamatay ng aming kasamahang si Cris Anthony Mendez, Kinatawan ng Pambansang Dalubhasaan ng Pamahalaang Pambayan.
      Ang pagkamatay ng isang mahusay na lider tulad ni Cris ay hindi inaasahan. Lalo pa at isa itong manipestasyon ng walang kabuluhang karahasang patuloy na dumadaloy sa sistema ng Unibersidad.
    Ang pagbuwis ng buhay ng aming kasama ay magsilbi sanang tuldok sa baluktot na patakaran at halang na karahasan sa loob ng Unibersidad.
    Hindi hahayaan ng Konsehong ito na mabalewala ang sakripisyong ginawa ni Cris at manaig ang karahasan sa loob ng Unibersidad. Sisiguraduhin ng Konseho na mananagot ang mga may sala at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aming kasama. Hindi kailanman matatakpan ng karangyaan, kapangyarihan, o kayamanan ang hustisyang dapat makamit ni Cris at ng kanyang mga mahal sa buhay. Isang hamon ito sa bawat Iskolar ng Bayan na maging susi sa pagkamit ng hustisya.
    Bilang isang Konsehong nagtataguyod ng mga karapatan ng mga mag-aaral, nanawagan kami sa lahat ng mga isko at iska na supilin ang ganitong klase ng karahasan. Nawa'y magsilbing hamon ito sa bawat Iskolar ng Bayan na balikan ang oryentasyon ng pagtatag ng ating mga organisasyon: ang paglilingkod sa kapwa at bayan, hindi karahasan!
      Kasama ng pamilya at kaibigan ni Cris, nananawagan kami ng hustisya at kaparusahan para sa lahat ng may sala.

IKONDENA ang KARAHASAN!
HUSTISYA PARA KAY CRIS!
 
University Student Council
UP Diliman
31 August 2007
 
For any information that could obtain justice for Cris Mendez, please contact Ms. Shahana Abdulwahid, USC Chairperson 0927 568 8418. Lawyers are available to ensure your protection.

  • Post a new comment

    Error

    default userpic

    Your reply will be screened

    Your IP address will be recorded 

  • 4 comments